Dec 3 '11

GRABE!!!!

Naka-pasok ako sa rehearsals ng Ms Earth!!! Dumere-derecho lang ako papasok as if kasama talaga ako. Hindi na ako napansin.

After the picture with the 3 contestants, nahuli ako though. No ID, no entry kasi. So eescort na dapat ako palabas pero nagmakaawa ako sa guy so dinala ako sa may backstage at lahat ng contestant na nakita niya, tinanong niya kung pwede mag-pa-picture with me. :”>

best part, sabi ko sa kanya gusto ko talaga magka-picture with ms. russia, sakto kakapasok lang ni ms russia so tinawag niya.

i got a picture with her then after that i spoke to her in russian!!! i learned some through a CD lesson before. 

then nahuli ako ng prod head at pinaalis ako. sana hindi napagalitan yung tumulong sa akin.

grabe!!! sobrang favor ‘to from God!!! pinag-pray ko talaga kasi ayokong tumanda na sasabihin ko lang sa mga apo ko na nagka-chance akong pumunta sa rehearsals ng ms earth at hindi ko siya tinake. grabe!!! sa univ theater lang yung ms earth!!!! kelan ka pa magkaka-chance na ganun!?!

bait talaga ni God. akala ko talaga imposible ‘to. haha